Litratong Pinoy 2: Maalaala Mo Kaya?

button80.jpg

Ito ang aking lahok sa linggong ito na ang tema ‘Maalaala Mo Kaya?’ Maalaala mo pa ba ang iyong mga kaklase noong High School?Pagpa sensyahan nyo ang litratong ito kasi dumikit sya halos sa plastik ng album,siguro sa sobrang init ata sa atin hehe.Halos lahat ng mga lumang litrato ay may mga sira na tulad sa nangyari ng may ari ng blag este sa peechur na to.May ideya ba kayo para maiwasan ang ganitong sira sa litrato?

341919833.jpg

(Ako yung nasa likod ng aming adviser na nakasalamin)

Balik sa tema,kuha iyan noong ako’y ‘1st year High School’ Sa ‘Lycee D’ St.Cyr’ sa Paranaque,malapit sa Green Hills Subdivision at BF Homes.Diyan ako nag aral hanggang 2nd year H.S. tapos lumipat ako sa Olivarez College,3rd hanggang 4th year na.Marami akong hindi kailan man malilimutan mga alaala noong ako’y nasa H.S. tulad ng barkada,gimik,crushy crushy din.Sige nga hulaan nyo kung alin diyan ang pinagnanasaan ko hehehe Ala akong naging bf sa mga panahon na iyan kasi nasa plano ko talagang maging madre! uy, naniwala o! hahaha

High school life, on my high school life
Ev’ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya

There are times, may problema ka
Kung ang homework, left undone
Pray ka lang, ‘wag tawagin ka
Upang di pagtawanan

Noong H.S. ay nagtayo kami ng samahan na tinawag namin ‘ Mr.Jarvvel Co.’ Mga initial ng mga pangalan namin.Ako yung C jan, Korni noh? hahaha Asan na kaya si Myra,Ruffa,Janet,Addi,Rochelle,Vilma,Vanessa,Ermintrude at Lorna? May mga asawa at anak na rin siguro sila.Wala na talaga akong balita sa kanila,ang huli kong balita ay sampung taon na nakaraan pa yun.Kung saan saan na napupunta ang iilan ang iba naman,hindi na nakapagtapos dahil nag asawa na raw. Haay nakakamiss sila.Alam nyo bang nag iyakan kami noong graduation?sabi sa iyo eh korni at madrama ang High School hahaha.Nakaka miss din yung CAT days ko sa Olivarez College.Tawag nila sa akin eh, Suklay Officer kasi naging Supply Officer (S4) ako sa CAT ‘major’ pa kamo rank,yabang ano? hahaha pero niloloko nila ako palagi na Suklay Officer daw kasi lagi akong may suklay sa bulsa ng aking palda lol Haay High School,ka aliw at nakakamiss.

Ikaw ba saan nag High School?

23 Responses to “Litratong Pinoy 2: Maalaala Mo Kaya?”

  1. Sreisaat
    November 6th, 2008 09:06
    1

    Hi Ms. Cheh… oo nga, may ganyang grupo rin kami nung high school ako. Kilig-kilig sa mga crushes. Ang eskwelahan ko yata ang may pinakamahabang pangalan sa buong syudad namin!

  2. jennyL
    November 6th, 2008 09:18
    2

    ay oo naalala ko pa mga classmates ko infact may silver (25th) reunion next year batch ‘84.. tanda ko na no? hehe

    Happy LP
    Eto po akin:
    http://jennytalks.com/2008/11/lp-maalaala-mo-kaya-can-you-still.html
    http://jennys-corner.com/2008/11/lp-maalaala-mo-kaya-can-you-still.html

  3. tanchi
    November 6th, 2008 09:21
    3

    masarap balikan ang mga litratong nalumaan na, tulad ng high school pic, at sa pagkikita-kita ng iyong mga kaibigan 30 years from now, magtatawanan lahat dahil sa mga mukha nong high school pa:)

    maligayanG LP:)

    Photography of a Frustrated IT Student

  4. mogLi
    November 6th, 2008 09:55
    4

    naks, reminisce mode. masaya talaga ang HS; stress-free, at walang masyadong angst sa buhay. 1st gf ko nung 2nd yr hs ako,,,hanggang kami’y nagkahiwalay nung start ng college. nitong nakalipas na araw ay nakita ko sya sa isang magasin,,,dilaw ang suot at buhok ay green. iba na ang kanyang tingin at ngiti. sana sa susunod na isyu ay centerfold na siya. LOL!

  5. thess
    November 6th, 2008 10:52
    5

    aruu at nag reminisce na ang lola he he

    lagyan mo ng onion-skin (paper) bawat layer or page ng photo album para nde magdikitdikit…or yung mismong mahahalagang pictures na wala ka ng kopya, pakuhanan mo sa professional tapos lagay mo sa CD ;)

  6. K
    November 6th, 2008 16:17
    6

    Naging transferee ka din ba nung HS? Ang hindi ko makakalimutan yung Intramurals, JS Prom saka yung bulakbol na naka uniform sa loob ng sinehan nanonood ng Ate Shawee movies at sigawan ng “GOLD, always believe in your so… oul” ng Spandau Ballet at mga fraternity groups, initials sa mga CR pati na yung “who is your crush” sa slumbook at magisang nag fa-flag ceremony kapag na late at hindi pinapapasok ni Manong Guard sa gate kapag walang ID. Saka kopyahan sa Math exam, pupunta sa Library para makipag chikahan lang at coke na nakalagay sa plastic na may straw (sosi ka na) sa recess time.

    Dami.

  7. Beng
    November 6th, 2008 22:52
    7

    Naku day, I can tell you funny stories about CAT hehehe. Nice picture by the way…wala talagang kakupasan ang iyong kagandahan.

  8. lino
    November 6th, 2008 23:20
    8

    ma’am cheh!!!!!! long time no see…. hehehe… o ako lang ang di nakakadalaw? hehehe… iba talaga ang high school life… “every memories kayganda…” napakanta tuloy ako…. :)

  9. reyna elena
    November 6th, 2008 23:37
    9

    i love high school life! da best! hahaha! your pic reminded me of so many things na barako ang lola nung panahon hehehe huling huli si obama sa change has come nya hahaha

  10. Ambo
    November 7th, 2008 07:36
    10

    Miss ko tuloy HS friends ko. Yung iba di ko na makita yung iba naman sa Friendster nakita ko. Thanks FS! Nag promote pa hahaha. Naalala ko tuloy class pics ko kaso nabaha na lahat huhuhuhu.

  11. mama meji
    November 7th, 2008 07:43
    11

    Ug gipahinumdum ko nimo sa hayskul lyf…ug mga crushes atbp nga isyu sa batan-on pako…waaa..

  12. pusa
    November 7th, 2008 09:44
    12

    ang liit naman ng pics hehehe pero masaya talga ang high school life

    :) mamu pd na magcomment sa blog ko me mumu lang nun undas kaya siguro ganun hehehehe

  13. Shuttercow
    November 7th, 2008 09:51
    13

    Classic elementary at high school pic. Marami rin ako niyan hehe. Happy LP!

    Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

  14. Beng
    November 8th, 2008 11:40
    14

    Cheh…I wish you a nice weekend too. Miss you din mader and I am hoping na magkikita tayong muli…one day. Para magtabi na pod ta hangtud kaadlawon. Chicka sabay ngatngat at tungga…hehehe.

  15. cheh
    November 8th, 2008 11:40
    15

    Natawa ako sa sinabi ni K,lahat ng mga yan nakakamiss lalo na kamo yung hihingi ka na lang ng baon hahaha

    ang hindi ko na miss yung sermon hahaha

    mga dearie,salamat sa mga komento at pagdalaw muah muah Happy weekend sa lahat! Teka,ano ba translation ng happy weekend sa tagalog?? ummm, *isip*

  16. Sofie
    November 8th, 2008 22:40
    16

    Hello cheh!

    Ok ka rin a. Daladala mo pa mga pics mo dyan. Ako walang dala, nasa nanay ko lahat sa probinsya. Nakaalbum na e, e ang bigat dalhin ng album sa dami.

    Both high school at college, memorable sa akin. Nag high school naman ako sa probinsya kaya masaya, kasi until now nakikita ko pa rin sila pag umuuwi ako sa amin. Yon nga lang noong umuwi ako noong April, dahil sa nagkasakit ako, di ako nakapunta sa 2 gatherings namin. Sayang talaga.

    Anyway, have a nice weekend manay!

  17. This week's royal blog santacruzan
    November 9th, 2008 13:56
    17

    [...] Alam nyo ba? Basta na lang tayo iniwanan nang babaeng to?! Hahaha! But hey, Cheh, our moderately confused pinay in deutschland is back too! Now, let’s see kung maalaala nyo pa sya! [...]

  18. marina
    November 9th, 2008 18:21
    18

    Gave you a shout out on our blog!
    MuchaCostaRica

  19. Snow
    November 10th, 2008 06:56
    19

    nice photo! buti ka pa may natabi ka pang picture eh ako hindi ko na mahagilap. bakit ba kasi wala pang digicam noon noh? :)

  20. atineneng
    November 10th, 2008 16:59
    20

    chepie!!!!
    nagbalikblog ka na pala, wala man lang akong kabalibalita??!!!! at naging tatlo na pala ang mga kuto mo!!! hahahahahahhahaha, pengeng isa!

    sige, mag-iipon ulit ako ng pamasahe at mangangarap na mapadpad uli jan sa alemanya at ng magkita na tayo ng tuluyan.

    hugses and kisses na puro laway sa inyong lahat !!!!!

  21. cheh
    November 11th, 2008 01:47
    21

    tinenggggggggg,naluka ako sa kakahanap ng URL mo talagang tuluyan ka na bang naglaho sa bla blag miss kita mamu!!!!!!! tsege i dhl ko na yung sang kuto sa iyo,purwesyo matakaw sa bigas hahaha

  22. chuvaness
    November 11th, 2008 07:53
    22

    manay cheh!! welkam back muna. mwaaaahuugss. so glad you’re back blogging.

    saya ng HS. every year paiba-iba kami ng uniform (1st year – green skirt, 2nd year – yellow, 3rd year – blue, 4th year – red). every month may bonggang bonggang school activity. fave ko ang Teacher’s Week, walang teacher eh…puro Student-Teacher. Ang inday mo, student teacher ng stenography. shuckssss! ang age!!! ang age!!!!

    hahhahaha

  23. cheh
    November 11th, 2008 15:11
    23

    inday malennnnnnnnnnn besos mamuah miss din kita!!

    mamaya ako maki kape sa iyong mga e- kubo;)

Leave a Reply