Litratong Pinoy 5: Ang Pagwawagi!
One of the greatest victories you can gain over someone is to beat him at politeness.
- Josh Billings
Victory is sweetest when you’ve known defeat.
- Malcolm Forbes
There are victories of the soul and spirit. Sometimes, even if you lose, you win.
- Elie Wiesel
You may have to fight a battle more than once to win it.
- Margaret Thatcher
Victory; a matter of staying power.
- Elbert Hubbard
“Ang pagwawagi ay hindi susi sa kaligayahan.Ang kaligayahan ay susi sa pagwawagi.Kung maligaya ka sa iyong ginagawa,ika’y magwawagi”
Magandang araw mga kapatid!Heto ang aking lahok sa linggong ito sa temang ‘Ang Pagwawagi’ Ito ata ang isa sa mga paborito kong salita,masarap pakinggan di ba? sarap ata isigaw sa mundo!ako’y nagwagi!Waw!!nagwagi sya! Waw!nagwagi sila Wawaweee! at syempre pa ang pinakamasarap yung lahat tayo ay magwawagi ng lotto! hehehe Nangarap na naman ako!lol
Siguro sa buong buhay ko marami akong pagwawaging dinanas,sing dami din ng mga kasawian.Ika nga ng seksi kong kapitbahay na si Rhada,weather weather lang yan!hehe
Isa ata sa aking talento bukod sa paggawa ng bata opkors! hehehe Kung talento ni tekla ang pagkakakanta, nahiligan ko naman ang pagsasayaw.Nahiligan ko ito hindi pa man ako pinanganak,sabi kasi ni nanay ang likot likot ko raw noong ako’y pinag buntis nya!Sumasayaw na ako ng macarena!lol
Yang nasa itaas ang isa sa mga napanalunan ko,ang pagsasayaw ng parang ahas sa Istanbul.Sa mga hindi masyadong nakakakilala sa akin,ako po’y nakapag trabaho sa isang travel company,nag mamarket ng mga tours sa Turkey.Ang pagpunta ko riyan sa Orient House ay Courtesy Invi lang kasama ko yung katrabaho ko na tourist guide na si papillon para matingnan ang programa nila at syempre pa masubukan din ang pagkain bago man lang ma- irekomenda sa mga turista! Nagkataon ng sabadong yun,may pa kontest sila,spontan kunbaga halos lahat ng mga babaeng bisita,pinapunta sa stage at may dalawang babaeng ahas este,belly dancers na nagturo sa amin ng iilan steps ng belly dance.Tapos pinasayaw kami para kaming mga uto uto hahaha Pumili sila ng official sampung contestants,may british,dalawang kana,may taga norway,russian,basta lahat sila may mga ilong at mapuputi,ako lang yung nahalong native hahaha.Sa madaling salita, nakuha ko yung fake(hindi ko kasi masangla-sangla hehe) na gintong medalya na yan at iba pang prices tulad ng gift certificates at isang basket na turkish baklava at marami pang ivah!:D




November 27th, 2008 11:52
“Ang pagwawagi ay hindi susi sa kaligayahan.Ang kaligayahan ay susi sa pagwawagi.” – Ganda naman nito! Waging-wagi nga
November 27th, 2008 14:56
ilang K yang medal mo? pwede bang isanla?
November 27th, 2008 15:42
Saksi ako sa lambot mo gumiling inday! O kelan natin uumpisahan belbel este belly dancing training ko?
uy si tekla, kumakanta pala yan? *kamot ulo* Lol!
November 27th, 2008 16:13
aba Extra pala ako ditech mamah Chechay! ngayon ko lang nalaman na mala-ahas ka pala kung gumiling ha?? natatandaan mo ba si Pia Moran?
agree ako sa sinabi mo….”kaligayahan ang susi ng pagwawagi”….madami akong nakilala na sa unang tingin ay animo nasa kanila na ang lahat- pera, bahay, alahas, kotse, mga materyal na bagay…pero parang hindi pa rin sila masaya. parang hindi nila naa-appreciate ang mga biyaya nila.. pero may mga nakilala din akong salat man sa materyal na bagay eh tila baga kaysaya nila..kuntento sa buhay, at punong puno ng pag-asa…..
November 27th, 2008 17:47
wow galing!
November 27th, 2008 21:52
Hi Cheh! That is indeed an excellent achievement! Sure would like to see a video of you doing it.
Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comments.
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman
November 28th, 2008 06:19
ahahaha, lintek na babaeng ahas yan. na insecure naman ako sa yo. kasi ako gusto ko mag aral mag belly dancing kaso mo itatakwil daw ako ni kengkoy e, bilib talaga ako kay mami cheh
November 28th, 2008 07:34
Pinky: Salamat!:)
K: Naka peke! kung truli ginto sya matagal ko na sana na isangla hehe
Thess: honga! yang tekla na yan oo! haha
naka nadagdagan ng iilang kilo na aking balakang mamu,sumasakit na kaso kasohan cancel muna bilbil training natin hane?lol
November 28th, 2008 07:47
Rhada:syemper naman inang rhads!!ang mga neighborhood dapat laging extra!lol Pia Moran? oo yung magaling gumiling ata,bomba star ba yun?
Don-ser: Salamat sa dalaw!:)
Joy:Orient House might have the video sayang ala akong kopya.Very interesting yung setting ng Resto nila.
Kengkay: Noong alaw yan mami kengs noong ala pa akong mga kuto inaalagaan,lol Bf ko pa si mister!hindi rin ako makagiling masyado tinitingnan ako ng masama hahaha inggit kasi sya dahil puro kaliwa paa hehe
November 28th, 2008 12:51
It would be fun to see you….
November 28th, 2008 14:50
Hello cheh!
Ayos ka manay a. Belly dancer champion ka pala. Yan ang mga gusto kong makita, tapos magpapaturo na rin ako sa yo.
Kengkay, sabihin mo kay kengkoy na kung mag-aaral ka, e para lang sa rin sa kanya. O ha!
Have a great weekend manay!
November 28th, 2008 15:36
Wow congratulations! Di ko alam ke ganung talent ka pala. Pag nagmeet tayo momski kelangan umiikot ikot ang bewang mo pag lalapit ka sa akin ha. hahaha
November 29th, 2008 03:27
you never fail to make me laugh inday chechay… sorry barok man ko tagalog so english na lang ha.
pwede din yan si che stand up comedian mananalo yan.. maiiyak kayo ng tawa… at wawagi din yan sa baby production lol
December 1st, 2008 10:16
Hello Ate Cheh! Wow you are indeed amazing!
December 1st, 2008 15:33
hey peeps:) how’s your weekend?thanks very much for all your lovely comments!if I’d be able to shed these extra kg next year,might try to post video if lucky with proper belly dance costumes.Just kidding!hehe
Hope you all have a lovely week ahead! mwah!