Litratong Pinoy 11: Kahel (Orange)
“An orange on the table, your dress on the rug, and you in my bed, sweet present of the present, cool of night, warmth of my life.” -Jacques Prevert (French poet, 1900-1977)
“Isang kahel sa mesa,iyong damit sa sahig,at ikaw sa aking kama,kaytamis na pagsasama,lamig ng gabi,init ng buhay” -Jacques Prevert (French poet, 1900-1977)
Baka naman kayo’y magkamali sa pagbasa Jacques Prevert po yan! hindi Jacques pervert!hehe Kung ika’y minor de idad,palagpasin nyo na lamang itong post na to tapos balik na lang pag wala na yung mga usapang kama ha mga ineng? hehe
Heto aking lahok sa linggong ito sa temang kahel o orange.Masaya ang kulay na ito bagamat,hindi ko ito masyadong paborito.Madalas akong nakakatanggap ng ganitong kulay na mga bulaklak.Hindi ko alam kung bakit eh alam naman ng mga kaibigan at kamag anakan na mahilig ako sa puti tapos reregalohan nila ako ng kulay kahel.Ayos na rin! basta galing ba sa puso ang regalo, dapat alang reklamo!di ba? :D
Ikaw ba? anong paborito mong kulay?




January 22nd, 2009 00:38
Ang gaganda ng mga “natural” na orange
Ayos si JP, romantiko
January 22nd, 2009 00:54
hi julie, o nga napaka romantiko ni JP! nasobrahan nga ata hehe
January 22nd, 2009 01:09
ganda naman ng leaf sa snow ma’am cheh…
hehe, sige i’ll keep in kind that your fave color is white….:) happy huwebes…:)
January 22nd, 2009 01:31
ang gaganda naman ng mga bulaklak na orange.
January 22nd, 2009 02:13
salamat sa pag dalaw.. maple leaf ba yan? maganda sya kapag nagpapalit na ng kulay lalo na kapag mag wiwinter na.. minsan kasi napapagkamalan ko ang oakleaf na maple leaf
January 22nd, 2009 04:36
Jacques Prevert is one of my favorite poets… a genius !
Gorgeous flowers !
January 22nd, 2009 08:27
Manay Cheh, bukod sa dilaw at asul, isa rin sa paborito kong kulay ay kahel. Lalo na’t pag bulaklak – para bang angsaya-saya ko pagnabigyan ako neto o nakakita ng kahel na bulaklak. Ipasa mo na lang kaya sa akin ang mga kahel na bulaklak mo? *juk* Baka brown na lang kulay niyan pagdating sa akin dito *lol*
January 22nd, 2009 08:37
Paborito ko ang pink at lavender…pero gandang ganda ako sa autumn colors, at itong maple leaf mo ay talaga namang ang ganda!
Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!
January 22nd, 2009 12:14
kyut talaga ang hindi masyadong matingkad na kahel!
January 22nd, 2009 13:33
ganda ng mga flowers! at yung nag-iisang maple leaf sa snow! nakalimutan ko na orange nga pala mga dahon pag autumn…pumpkins lang naalala kong gamiting litrato. hehe.
January 22nd, 2009 14:28
meron din dito nyang ganyang shape na dahon pero so far wala pa ko nakikitang kulay kahel. puros green lang at brown
January 22nd, 2009 15:00
super ganda,Cheh!!pero mas maganda yung quote,lalo na sa tagalog!
at yes,unang tinging ko ay “pervert” hehe…
i luv the flowers!!!
January 22nd, 2009 15:47
ganda ng mga kuha! Happy LP Cheh!
January 22nd, 2009 17:36
gusto ko yung unang pix kasi wala nyan sa pinas
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
January 22nd, 2009 20:10
Bukod sa kilala mo pala si J. Pervert, makata ka na rin! he he
psst lola, hapi lp and hapi weekend!
January 22nd, 2009 20:16
Hello cheh,
Minsan talaga maganda at malamig sa mata ang orange.
Off-topic, natatawa ako sa Google ads mo. Tagalog ang lumalabas kasi nga pilipino ang entry mo. Pero natatawa ako kasi puro pelikulang pinoy ang lumalabas.
January 23rd, 2009 11:10
pretty flowers!
January 23rd, 2009 15:36
ay grabe ate ganda ng kuha mo dun sa leaves.. kalahok ka pala din sa litratong pinoy.. so far ikaw ang nakita kong pinaka magandang orange na kuha.. promise..
January 23rd, 2009 16:29
ate sali ka http://painuminmoko.suddenlaunch3.com
January 23rd, 2009 17:59
ang gaganda lahat
happy lp
http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/
January 23rd, 2009 22:04
parang ito na ngayon ang paborito kong kulay sa bulaklak! ganda:)
January 23rd, 2009 23:22
Salamat sa dalaw kapatid! Hapi weekend sa lahat! tlc na lang
January 25th, 2009 06:12
Gandang bulaklak…wala na dinhi ha! Heheh…Ug Cheh, nalingaw ko sa lines ni Mr Pervert…est Prevert..murag na-imagine nako ang scene ana dah! Lol..
January 26th, 2009 05:19
naging favorite ko ang kulay kahel, so up to now present pa din ang kulay na yan sa wardrobe ko.
ay ang ganda kaya ng kulay kahel na bulaklak
January 27th, 2009 04:40
I actually like green, orange kasi is so like the prisoner to me eh? Remember the prisoners dancing Michael Jackson in Cebu cell?
January 28th, 2009 15:53
ang gaganda ng mga kuha mo ng kahel na bulaklak, cheh!
dati’y puti ang paborito kong kulay sa bulaklak. pero hindi na ngayon. parang wala na akong paboritong kulay. haha.
January 31st, 2009 17:07
Nice photos.
I prefer white over other colors. Its so relaxing to look at.